Mula nang maramdaman ng pusong nagamamahal
Biglang binigyang saya, puno ng kulay
ngayon lang nalaman na lahat ay kulang pala
Kung di rin lang darating sa aking buhay
chorus:
Sana ay lagi kang makakasama
Sana ang bawat araw ko ay aalayan ng pag-ibig mo dahil...
ikaw ang pinili na makapiling ko
Ang tanging pangarap ko ngayon ay naririto
Parang panaginip na nagkatotoo
Wala nang mag-iiba
Sa aking nadarama
laman ng isipan ko`y ikaw sa twina
(repeat chorus)
Sana ay walang hanggan ang ating sinumpaan
Sa`yo ang pangako kong pang-habang buhay
Kitang iibigin at wala nang kailangan pa
Ang puso`y pinupuno mo ng ligaya
(repeat chorus2x)
Ikaw ang pinili na makapiling ko