Tuwing Umuulan At Kapiling Ka — текст песни (Eraserheads)





Pagmasdan ang ulan
Unti-unting pumapatak sa mga halaman at mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim
Unti-unting bumabalot sa buong paligid ay umuulan
Kasabay ng ulan bumubuhos ang yong ganda
Kasabay ng hangining kumakanta
Maari bang huwag ka nang sa piling ko`y lumisan pa
Hanggang ang langit ay tumila na?
chorus:
Buhos na ulan aking mundo`y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo di mapipigil
Ang puso kong nagliliyab
pag-ibig ko`y umaapaw
Damdamin ko`y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
Pagmasdan ang ulan unti-unting tumitila
Ikaw rin magpapaalam na
Maari bang minsan pa
Mahagkan ka`t maiduyan ka
Sakbibi ka`t ulan lamang ang saksi?
chorus2:
Minsan pa ulan bumuhos ka`t h`wag ng tumigil pa
Hatid mo may bagyo dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko`y umaapaw
Damdamin ko`y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
Maari bang minsan pa
Mahagkan ka`t maiduyan ka
Sakbibi ka`t ulan lamang ang saksi?
chorus till fade
carlo-lec



Статистика сайта
В нашей базе исполнителей: 36455, текстов песен: 420034