Uso pa ba ang harana
marahil ikaw ay nagtataka
sino ba tong mukhang gagong
nagkandarapa sa pagkanta
at nasisintunado sa kaba
Meron pang dalang mga rosas
suot nama`y maong na kupas
kasama ko pa ang barkada
na nakaporma`t nakabarong
sa awiting daig pa`ng minus one at sing along
puno ang langit ng bitwin
at kay lamig pa ng hangin
sa`yong tingin akoy nababaliw giliw
at sa awiting kong ito
na sana`y maibigan mo
binubuhos ko ang buong puso ko
sa isang munting haranang para sa yo
Di ba`t parang isang sine
isang pelikulang romantiko
di ba`t parang ikaw ang bidang artista
at ako ang iyong leading man
sa istoryang nagwawakas sa pag-ibig na wagas