NGAYON PA LANG TAGUMPAY KA NA (Duet with — текст песни (Lea Salonga)





(Ryan Cayabyab)


Cris:
Lagi kitang sinusubaybayan
Nananaginip na balang araw ay maging katulad mo
Magbigay ng dangal sa bayan ko at sigla sa buong mundo
Ipagkakapuri ng magulang ko

Lea:
Oh, minsan ako`y nangarap tulad mo
Kaypalad ko`t maagang nabatid ang totoo
Dapat lang magtiwala ng lubos sa sarili`t husay mo
Ibigay lahat ng makakaya mo

At pagmasdan, makakamit lahat ng inaasam
Unti-unti maaabot ang mga pangarap mo
Kung nais pa`y lumipad sa rurok ng iyong isipan
Ibigay lang ang lahat ng makakaya mo
Kahit hindi mo pa panahon
Ngayon pa lang tagumpay ka na

Cris:
Dapat lang magtiwala ng lubos

Lea:
Sa sarili`t husay mo

Both:
Ibigay lahat ng makakaya mo

Cris:
At pagmasdan makakamit lahat ng inaasam
Unti-unti maaabot ang mga pangarap mo
Kung nais pa`y lumipad sa rurok ng iyong isipan
Ibigay lang ang lahat ng makakaya mo
Kahit hindi mo pa panahon
Ngayon pa lang...

Lea:
Kahit hindi mo pa panahon
Ngayon pa lang

Both:
Kahit hindi mo pa panahon
Ngayon pa lang tagumpay ka na
Tagumpay ka!



Статистика сайта
В нашей базе исполнителей: 36455, текстов песен: 420034